TULOY at nananatili pa rin ang paanyaya ni Pangulong Donald Trump kay Pangulong Duterte na dumalaw sa America. Ito ang kanyang pahayag matapos tanungin kung ang pagbabalik ng mga batingaw ang magiging daan ng pagdalaw sa Estados Unidos ni G. Duterte.
Noon pang Nobyembre ng 2017 noong magkita ang dalawang pangulo sa ASEAN Summit at nababatid ang bukas at nananatili pa rin ang paanyaya. Ayon kay Bb. Molly Koscina na naiparating na ang imbitasyon.
Noong nakalipas na Mayo, sinabi ni G. Duterte na 'di magkakaroon ng magandang relasyon ang dalawang bansa hanggang 'di isinasauli ang mga batingaw. Nabanggit din ni G. Duterte na mga imperialista ang mga Americano.
Sinabi rin ng Pangulo noong Hulyo na ayaw niya ng matagalang paglalakbay kaya't 'di niya matatanggap ang paanyaya ni Pangulong Trump.
Magugunitang sinabi ni G. Duterte sa kanyang talumpati sa Beijing noong Oktubre ng 2016 na tatapusin na niya ang relasyon sa America sapagkat papanig na siya sa Tsina. Wala namang naganap na pagtatapos gn relasyon kahit pa nagkaroon ng maanghang na pahayag ang pangulo.