Great Hall of the People, Beijing—Nag-usap Miyerkules, Disyembre 12, 2018 sina Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, at Pornpech Wichitcholchai, Pangulo ng National Legislative Assembly ng Thailand.
Sina Li Zhanshu (kanan), Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina at Pornpech Wichitcholchai (kaliwa), Pangulo ng National Legislative Assembly ng Thailand
Sinabi ni Li na nagpapatingkad ang NPC at National Legislative Assembly ng Thailand ng mahalagang papel sa pamumuhay na pulitikal ng kani-kanilang bansa. Umaasa aniya siyang magkasamang ipapatupad ng kapuwa panig ang mga narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, pananatilihin ang mapagkaibigang pagpapalitan sa iba't ibang antas, ipagkakaloob ang matibay na garantiyang pambatas para sa maalwang pag-unlad ng kooperasyong Sino-Thai sa iba't ibang larangan, at gagawin ang bagong ambag para sa malalimang pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko't kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Pornpech na aktibong sumasali ang panig Thai sa Belt and Road Initiative. Nakahanda aniyang palakasin ang konstruksyon ng konektibidad at pagpapalitang pangkabuhaya't pangkalakalan nila ng Tsina, at palalimin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng inobasyong pansiyensiya, edukasyon, turismo at iba pa.
Salin: Vera