Idinaos Oktubre 16, 2018 ang simposyum na may temang "Apekto ng Digmaang Pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa Thailand at Timog-silangang Asya" sa Dhurakij Pundit University, Bangkok ng Thailand. Mahigit 100 kinatawan mula sa sektor ng kabuhayan, kalakalan, media, akademiya, at iba pang larangan ng Tsina at Thailand ang kalahok sa pagpapalitan.
Sinabi ni Pimchanok Vonkorpon, Direktor ng Tanggapan ng Patakaran ng Estratehiya sa Kalakalan ng Ministri ng Komersyo ng Thailand na kung patuloy na ilulunsad ng Amerika ang "trade war," may posibilidad na lumitaw ang kaligaligan sa kabuhayan ng Asya, at maaaring maganap ang bagong pandaigdigang krisis na pinansiyal. Aniya, walang nagtagumpay sa "trade war."
salin:lele