Ipinahayag ni Haring Norodom Sihamoni ng Cambodia na naniniwala siyang magkakaroon ng mas malaking bagong pag-unlad ang relasyon ng Tsina at Cambodia.
Winika ito ng haring Kambodyano nang tanggapin ang credential ng bagong embahador ng Tsina sa Cambodia na si Wang Tianwen nitong Huwebes, Disyembre 13.
Pinasalamatan ni Haring Sihamoni ang Tsina sa palagiang pagkatig sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Cambodia. Ipinahayag din nila ang suporta ng Cambodia sa pag-uugnay ng Belt and Road Initiative (BRI) at mga estratehiyang pangkaunlaran ng bansa.
Sinabi naman ni Wang na bilang bagong embahador, nakahanda siyang magpursige para buong tatag na ipatupad ang mga narating na komong palagay ng mga liderato ng dalawang bansa at makapag-ambag sa pagtatatag ng komunidad ng Tsina't Cambodia na may katuturang estratehiko at pinagbabahaginang kinabukasan.
Salin: Jade
Pulido: Mac