|
||||||||
|
||
Jakarta, Indonesia—Idinaos nitong Huwebes, Disyembre 13 ng misyong Tsino sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang resepsyon bilang pagsalubong sa bagong taon at pasasalamat sa pagkatig ng ASEAN Secretariat, ibang mga misyong dayuhan sa ASEAN, at Ministring Panlabas ng Indonesia sa taong 2018.
Mahigit 100 panauhin mula sa nasabing mga panig ang lumahok sa resepsyon.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni G. Jiang Qin, Charge d'Affaires ng misyong Tsino sa ASEAN na nitong 15 taong nakalipas sapul nang itatag ang estratehikong partnership ang Tsina't ASEAN, nagkaroon na ito ng bagong progreso sa limang pangunahing larangan, na kinabibilangan ng pagdadalawan sa mataas na antas, estratehikong pagtitiwalaan, pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan, mga pragmatikong kooperasyon, at bilateral na relasyon. Sabik aniya ang misyong Tsino na mapalawak ang pakikipagtulungan sa ASEAN Secretariat.
Si Ginang Jiang Qin
Sinabi naman ni Dr. AKP Mochtan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN Secretariat na nitong ilang taong nakalipas, lumalalim ang relasyong Sino-ASEAN. Nakahanda aniya ang ASEAN Secretariat na pahigpitin ang pakikipagtulungan sa misyong Tsino para magkasamang mapasulong ang pagtutulungang Sino-ASEAN. Ipinahayag din niya ang paghanga sa mga natamong bunga sa pag-unlad ng Tsina, at mahalagang papel na ginagampanan ng bansa sa pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Si Dr. AKP Mochtan
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |