|
||||||||
|
||
Sa katatapos na Ikalawang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Summit sa Singapore, nagkaisa ang mga kalahok na lider na pumasok na sa huling yugto ang talasatasan hinggil sa RCEP, pinakamalaking kasunduan ng malayang kalakalan sa daigdig, at kailangan nilang ipakita ang pleksibilidad, pagiging inklusibo para marating ang komprehensibo, balanse, at de-kalidad na kasunduan sa 2019. Kabilang sa mga kasaping bansa ng RCEP ay sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at anim na dialogue partner nito na kinabibilangan ng Tsina, Timog Korea, Hapon, Australia, New Zealand at India.
Sa ilalim ng pandaigdig na kalagayan kung saan lumalala ang unilateralismo at proteksyonismo, napakahalaga ng katuturan ng talastasan ng RCEP.
Una, kapag narating ang kasunduan, makikinabang dito ang mahigit 3.5 bilyong populasyon sa rehiyon, na katumbas ng kalahati ng buong populasyon ng daigdig. Umaabot sa 22.5 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng Gross Domestic Product (GDP) sa rehiyon.
Ikalawa, ipinakikita ng RCEP ang hangarin ng mga uumunlad na bansa. Ayon sa isang analisis ng Brookings Institution, research group na nakabase sa Washington, D.C., Estados Unidos, ang RCEP ay ang pinakaambisyosong kasunduang pangkalakalan na pangunahing pinapatnubayan ng mga umuunlad na bansa.
Ikatlo, magpapakita ang RCEP ng pagbubuklod ng mga kasaping bansa pagdating sa ibibigay na ambag sa pandaigdig na kabuhayan.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |