Inulit ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na laging bukas ang kanyang bansa sa pagtutulungang pandaigdig sa Aprika, at winewelkam nito ang pamumuhunan ng iba't ibang panig sa Aprika para matulungan ang huli sa pag-unlad, sa regular na preskon nitong Biyernes, Disyembre 14,
Winika ito ni Lu bilang tugon sa pananalita ni John Bolton, Tagapayo sa Pambansang Seguridad ng Estados Unidos.
Ipinatalastas ni Bolton nitong Huwebes ang bagong estratehiya sa Aprika ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump. Ang bagong estratehiya aniya ay para labanan ang lumalaking impluwensya ng Tsina sa Aprika. Inakusahan din ni Bolton ang Tsina't Rusya sa di-umano "pandarambong" sa Aprika.
Salin: Jade
Pulido: Mac