|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Miyerkules, Setyembre 5, 2018, kay Moussa Faki, Pangulo ng Komisyon ng Unyong Aprikano (AU), ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang pasasalamat sa kanyang ibinigay na ambag para sa matagumpay na pagdaraos ng 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC). Aniya, palagiang kinakatigan ng Tsina ang namumunong papel ng AU sa proseso ng integrasyon ng Aprika upang mapatingkad nito ang mas malaking konstruktibong papel sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Aprikano at mga suliranin ng FOCAC.
Dagdag pa ni Xi, nakahanda ang Tsina na samantalahin ang pagkakataon ng matagumpay na pagganap ng nasabing porum para magkakasamang mapasulong ang inisyatibo ng "Belt and Road," mapalalim ang pragmatikong kooperasyon, at mapalawak ang kooperasyong panseguridad ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Faki na ang "walong inisyatibo" at "Belt and Road" Initiative na iniharap ni Pangulong Xi ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng "Agenda sa Taong 2063" ng AU. Tiyak aniyang pinasusulong ng mga ito ang kapayapaan at kaunlarang Aprikano. Buong sikap na isinusulong ng AU ang integrasyon ng Aprika, tinututulan ang proteksyonismo at unilateralismo, at nakahanda itong palakasin kasama ng Tsina, ang kanilang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, aniya pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |