Kasiya-siyang natapos na ang 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC). Ang napasang "Deklarasyon ng Beijing" at "Plano ng Aksyon sa Darating na Tatlong Taon" ay nakakatawag ng malaking pansin ng Tsina, Aprika, at buong komunidad ng daigdig. Sa mata ng mga kalahok na lider ng mga bansang Aprikano, ang Tsina ay nagsisilbing "reliable partner" ng Aprika. Anila, ang mga bagong ideya at hakbanging iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina tungkol sa pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng komong kapalaran ng Tsina at Aprika, ay makakapagpatingkad ng pangmalayuang impluwensiya sa kapayapaan, katatagan, at sustenableng pag-unlad ng kontinenteng Aprikano.
Isang tampok sa nasabing summit ay ang iniharap na "walong inisyatiba" na nagsasaad na sa loob ng darating na taon, isasagawa ng Tsina at Aprika ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pagpapasulong ng mga industriya, konektibidad ng mga imprastruktura, pagsasaginhawa ng kalakalan, berdeng pag-unlad, pagpapataas ng kakayahan, kalusugan, pagpapalitang pangkultura, at kapayapaan at seguridad. Walang duda, ang "walong inisyatiba" ay magkakaloob ng malakas na puwersang tagapagpasulong sa bagong pag-unlad ng Aprika.
Salin: Li Feng