Magkahiwalay na kinatagpo kahapon, Lunes, ika-17 ng Disyembre 2018, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sina Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR); at Chui Sai On, Punong Ehekutibo ng Macao Special Administrative Region (Macao SAR), na nandito para sa duty visit.
Binigyang-diin ni Xi, na hindi magbabago ang patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema." Patuloy aniyang kakatigan ng pamahalaang sentral ang Hong Kong at Macao na isama ang kani-kanilang pag-unlad sa pangkalahatang pag-unlad ng bansa. Hinimok din niya ang Hong Kong at Macao para sa paghubog ng mga bagong bentahe, pagpapatingkad ng mga bagong papel, pagsasakatuparan ng bagong pag-unlad, at pagbibigay ng bagong ambag.
Iniulat naman nina Lam at Chui ang kasalukuyang kalagayan ng Hong Kong at Macao, at mga gawain ng pamahalaan ng HKSAR at Macao SAR.
Salin: Liu Kai