|
||||||||
|
||
"Himalang Tsino," "hindi kapani-paniwalang tagumpay sa kasaysayan ng pag-unlad ng sangkatauhan" ang mga ito ay obdiyektibong papuring madalas na ibinibigay ng komunidad ng daigdig sa reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas. Paano nilikha ang himalang ito? Ano ang hatid nito sa Tsina at daigdig? Sa Pulong ng Pagdiriwang sa Ika-40 Anibersaryo ng Pagsasagawa ng Reporma at Pagbubukas ng Tsina sa Labas na ginanap Martes, Disyembre 18, 2018, bumigkas ng mahalagang talumpati si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, kung saan komprehensibo at sistematikong nilagom ang proseso, natamong bunga, katuturan, at mahalagang karanasan nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ang nasabing patakaran.
Sa talumpati ni Xi, binalik-tanaw ni Xi ang mga natamong bungang historikal nitong 40 taong nakalipas sa sampung (10) aspektong kinabibilangan ng ideya at teorya, konstruksyon ng kabuhayan, demokrasya at pulitika, pag-unlad ng kultura, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pangangalaga sa ekolohiya, suliraning pandepensa at modernisasyon ng hukbo, dakilang usapin ng mapayapang unipikasyon, mapayapang diplomasya, at konstruksyon ng partido. Mapagmalaking ipinahayag ni Pangulong Xi na sa pamamagitan ng ilampung taon lamang, natapos ng mga mamamayang Tsino ang prosesong industriyal ng mga maunlad na bansa na tumagal ng ilan-daang taon. Sa kamay ng mga mamamayang Tsino, naging posible ang imposible, aniya.
Paano? Tinukoy ng pangulong Tsino na ito ay bunga ng katalinuhan at katapangan ng buong partido at mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad. Nilagom niya ang natamong mahalagang karanasan sa siyam na aspektong kinabibilangan ng paggigiit ng pamumuno ng CPC sa lahat ng gawain, pagpapauna ng mga mamamayan, katayuang pampatnubay ng Marxism, pagtahak sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino, pagpapabuti at pagpapaunlad ng sistemang sosyalistang may katangiang Tsino, pagpapauna ng pag-unlad, pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, komprehensibong pangangasiwa sa partido, at tumpak na paghawak sa relasyon ng reporma, kaunlaran, at katatagan.
Walang duda, ang nasabing mga karanasan ay dapat maging "success code" ng reporma at pagbubukas ng Tsina na pinagtutuunan ng pansin ng komunidad ng daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |