Beijing — Maringal na idinaos Martes, Disyembre 18, 2018, ang Pulong ng Pagdiriwang sa Ika-40 Anibersaryo ng Pagsasagawa ng Reporma at Pagbubukas sa Labas. Sa kanyang talumpati sa pulong, tinukoy ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, na ang reporma at pagbubukas sa labas ay isang dakilang rebolusyon sa kasaysayang pangkaunlaran ng mga mamamayan at Nasyong Tsino. Ang dakilang rebolusyong ito ay nakakapagpasulong sa napakabilis na pag-unlad ng usaping sosyalistang may katangiang Tsino, aniya. Dapat aniyang lubos na mahalin at igiit ang patakarang ito, at dapat din itong walang humpay na pagyamanin at paunlarin, dagdag niya.
Noong Disyembre 18, 1979, idinaos ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-11 CPC kung saan pinasimulan ang dakilang proseso ng reporma at pagbubukas, at modernisasyong sosyalista ng Tsina. Nitong 40 taong nakalipas, tumaas sa 15.2% ang proporsiyon ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina sa kabuuang halaga ng produksyon sa buong daigdig mula 1.8% noong sinimulan ang patakarang ito.
Ipinagdiinan ni Xi na dapat igiit ang pamumuno ng CPC sa lahat ng gawain, at dapat ding walang humpay na palakasin at pabutihin ang pamumuno ng partido. Dapat tupdin ng pamumuno ng CPC sa iba't-ibang larangang gaya ng reporma, suliraning panloob, diplomasya, suliraning pandepensa, pangangasiwa sa partido at estado.
Dagdag pa ni Pangulong Xi, sa pokus ng magkakasamang konstruksyon ng "Belt and Road," magsisikap ang Tsina kasama ng iba't-ibang bansa para maitatag ang bagong plataporma ng pandaigdigang kooperasyon.
Salin: Li Feng