Sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na pinatunayan ng tagumpay ng apat na dekadang reporma't pagbubukas sa labas ng bansa na kailangang patuloy na manangan sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) dahil ito ang pinakasaligang katangian ng sosyalismong may katangiang Tsino at pinakamalaking bentahe ng sistemang sosyalistang may katangiang Tsina.
Sa kanyang talumpati sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma't pagbubukas sa labas ng bansa, na binuksan ngayong umaga sa Beijing, tinukoy ni Xi na kailangang pairalin ang pamumuno ng CPC sa iba't ibang larangan na gaya ng pagpapalalim ng reporma't pagbubukas, pagpapasulong ng mga suliraning panloob at patakarang panlabas, pangangasiwa sa militar at iba pa.
Ipinagdiinan din ni Xi na palalaksin ng CPC ang kakayahan sa pangangasiwa para matiyak ang tumpak na pagsulong ng reporma't pagbubukas sa labas.
Salin: Jade
Pulido: Mac