Sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina na idinaos ngayong araw, Martes, ika-18 ng Disyembre 2018, sa Beijing, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat gawing sentro ng reporma at pagbubukas ng Tsina ang mga mamamayan, igalang ang mithiin ng mga mamamayan, bigyang-pansin ang kalagayan ng mga mamamayan, at magpupunyagi para sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Tinukoy ni Xi na sa mula't mula pa'y dapat gawing target ng pagpupunyagi ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang hangad ng mga mamamayan sa magandang pamumuhay. Dapat aniyang kumpletuhin ang sistema ng demokrasya, palawakin ang tsanel ng demokrasya, pasaganahin ang porma ng demokrasya, pabutihin ang paggrantiya sa pangangasiwa batay sa batas, at igarantiyang magtamasa ang mga mamamayan ng malawak, lubos, totoo at konkretong karapatang demokratiko, alinsunod sa batas. Dapat ding puspusang lutasin ang pangangailangan at hangad ng mga mamamayan, at hayaan ang mga mamamayan na magtamasa ng bunga ng pag-unlad sa iba't ibang aspektong gaya ng kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan, ekolohiya at iba pa.
Salin: Vera