|
||||||||
|
||
Binuksan ngayong umaga sa Beijing ang pambansang pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma't pagbubukas sa labas ng bansa. Nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa nasabing pulong.
Noong Disyembre 18, 1978, binuksan ang ikatlong sesyong plenaryo ng ika-11 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kung saan nagpasiya ang pamahalaang Tsino na ipauna ang pagpapasulong ng pambansang kabuhayan at isagawa ang reporma't pagbubukas sa labas.
Nitong 40 taong nakalipas, umabot sa 9.5% ang karaniwang taunang paglaki ng GDP ng Tsina, lumaki nang 22.8 beses ang per capita dispensable income, at nabawasan ng 740 milyon ang mahihirap na populasyon. Kasabay nito, lampas sa 30% ang ambag ng Tsina sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Bunga ng pagbubukas sa labas, nitong 40 taong nakalipas, lumaki nang 198 beses ang halaga ng paglaki ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina, lumampas sa 147 beses ang halaga ng paglaki ng kalakalan sa serbisyo, at umabot sa mahigit 2 trilyong dolyares ang kabuuang naakit na puhunang dayuhan.
Sa kasalukuyan, ang Tsina ay nagiging ikalawang pinakamalaking ekonomiya ng daigdig, pinakamalaking bansang industriyal, pinakamalaking bansa ng kalakalan sa paninda at pinakamalaking bansa ng reserba ng salaping dayuhan.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |