Sa panahon ng kanyang pagdalo sa ika-4 na pulong ng mga ministrong panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), ipinahayag Lunes, Disyembre 17, 2018 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagtatatag ng LMC Economic Development Belt ay komong palagay na narating sa ika-2 LMC Summit noong Enero ng taong ito, at tinalakay ng mga ministrong panlabas ng 6 na bansa ng LMC ang hinggil dito. Sinang-ayunan aniya ng iba't ibang panig ang pagsisimula ng konkretong plano sa pagtatatag ng nasabing economic development belt.
Isinalaysay ni Wang na namumukod ang konektibidad at pagkokomplemento ng kabuhayan ng iba't ibang bansa sa Lancang-Mekong River, at naging likas na partner ng kooperasyon sila. Sa harap ng pag-usbong ng unilateralismo at proteksyonismo, kailangang magkakasamang harapin ng 6 na bansa ng LMC ang mga hamong panlabas, sa pamamagitan ng pagpapasulong sa kooperasyong panrehiyon, at paggigiit sa pagbubukas at inklusibong pag-unlad.
Dagdag pa niya, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng 6 na bansa, tiyak na itatatag ang LMC Economic Development Belt na bukas, may pagbibigayan, inobasyon, koordinasyon, win-win situation, at magandang kapaligiran, para makapaghatid ng benepisyo sa mga bansa at mamamayan sa sub-region, at magpatingkad ng ambag para sa pag-unlad ng Asya, maging ng buong daigdig.
Salin: Vera