Idinaos kahapon, Lunes, ika-17 ng Disyembre 2018, sa Luang Prabang, Laos, ang Ika-4 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC).
Sa pulong, binigyan ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ng mataas na pagtasa ang mga natamong bunga ng LMC. Ito aniya ay hindi lamang nagbibigay ng sigla sa kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kundi nagpapalalim din ng pagkakaibigan ng 6 na bansang kalahok sa LMC. Umaasa aniya ang panig Tsino, kasama ng iba pang 5 panig, na itatatag ang economic development belt sa Lancang-Mekong River, patataasin ang kalidad ng kooperasyon sa production capacity, gagalugarin ang mga bagong tampok ng kooperasyon, at patitingkarin ang mas malaking papel para sa kasaganaan ng rehiyong ito.
Positibo naman ang mga opisyal ng Laos, Kambodya, Thailand, Myanmar, at Biyetnam sa mga natamong bunga ng LMC sa iba't ibang aspektong gaya ng pagpapasulong sa kabuhayang panrehiyon, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pangangalaga sa kapaligiran, pagpapahigpit ng pagpapalitan ng mga mamamayan, at iba pa. Ipinahayag din nila ang kahandaang panatilihin ang malakas na tunguhin ng pag-unlad ng LMC.
Salin: Liu Kai