Pagkatapos ng ika-4 na pulong ng mga ministrong panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) na idinaos Lunes, Disyembre 17, 2018 sa Luang Prabang, ipinahayag sa mga mamamahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na buong pagkakaisang ipinalalagay ng anim na bansa sa kahabaan ng Lacang-Mekong River na dapat gawing pokus ang pagtatatag ng LMC Economic Development Belt, at isagawa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng production capacity, inobasyon, pamumuhay ng mga mamamayan, at pangangalaga sa kapaligiran. Dapat walang humpay na palakasin din ang konstruksyon ng mekanismo, at pasulungin ang pagkokomplemento ng LMC at ibang mekanismo ng sub-region, para gumawa ng mas malaking ambag sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng sub-region.
Isinalaysay din ni Wang ang 6 na direksyon ng pag-unlad ng LMC sa hinaharap: una, magkasamang itatatag ang LMC Economic Development Belt; ika-2, palalakasin ang kooperasyon sa production capacity; ika-3, palalakasin ang kooperasyon sa inobasyon; ika-4, pasusulungin ang LMC sa mga larangang may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan na gaya ng edukasyon, pagbabawas ng kahirapan, kalusugan, kaligtasan ng dam at iba pa; ika-5, palalalimin ang kooperasyon sa pangangalaga sa kapaligiran; at ika-6, igigiit ang bukas at inklusibong pag-unlad.
Salin: Vera