|
||||||||
|
||
Ayon sa pambansang plano ng Tsina, sa taong 2020, inaasahang maiibsan ang karalitaan ng lahat ng natitirang 30 milyong mahirap na mamamayang Tsino. Nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma't pagbubukas sa labas, aabot sa 700 milyong mahihirap na mamamayang Tsino sa kanayunan ang nakahulagpos sa kahirapan.
Karamihan sa mga natitirang mahihirap na mamamayang Tsino ay mga vulnerable o mahihinang grupo na gaya ng may kapansanan, may chronic disease, matatandang nawalan ng pamilya, at mga kulang sa kahusayan. Upang matulungan sila, iba't ibang hakbangin ang pinaiiral ng pamahalaang Tsino. Kabilang sa mga ito ay pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga lokalidad, paglilipat sa ibang lugar, at pagpapabuti ng social security system.
Si Luo Yinghe na taga-Huishui County, lalagiwang Guizhou, sa dakong timog-kanluarn ng Tsina ay isa sa mga mamamayang Tsino na nakinabang sa patakaran ng paglilipat sa ibang lugar.
Noon, nanirahan si Luo sa nayon sa bulubundukin na walang lansangan, walang tubig at walang telekomunikasyon.
Larawan ng dating panirahan ni Luo
Sa kasalukuyan, nabubuhay siya, kasama ng mga taga-nayon, sa bagong tatag na komunidad na may iba't ibang pasilidad at serbisyo.
Bagong condo ni Luo at mga taga-nayon
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |