Pagkaraang bumisita sa mga liblib at mahirap na lugar sa lalawigang Sichuan sa timog kanluran ng Tsina, nagpatawag nitong Lunes, ika-12 ng Pebrero 2018, sa Chengdu, punong lunsod ng lalawigang ito, si Pangulong Xi Jinping ng talakayan hinggil sa pagsupil sa kahirapan.
Tinukoy ni Xi, na ayon sa nakatakdang target, sa loob ng darating na 3 taon, babawasan ng Tsina ang mahigit sa 30 milyong mahirap na populasyon. Ito aniya ay isang mahirap na misyon, at dapat gawin ang paghahanda para sa pagharap sa ibat' ibang hamon.
Inulit din niya ang mga kahilingan, na isagawa ang mga karapat-dapat na hakbangin sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, batay sa tunay na kalagayan at pangangailangan sa iba't ibang lugar; bigyang-priyoridad ang mga labis na maralita; at komprehensibong tulungan ang mga kapus palad sa iba't ibang aspekto ng hanapbuhay, pabahay, edukasyon, kalusugan, at iba pa.
Salin: Liu Kai