|
||||||||
|
||
Ayon sa isang resolusyon na pinagtibay ng Pangkalahatang Aseamblea ng United Nations (UN), ang kontribusyon ng Tsina sa UN bilang miyembro mula sa taong 2019 hanggang 2021 ay lalaki sa mahigit 12%, samantalang ang kontribusyon naman nito sa aksyong pamapayapa lalaki sa mahigit 15%. Ang Tsina sa ngayon ay ang bansang may ikalawang pinamalaking kontribusyon sa aksyong pamayapa.
Kaugnay ng naturang bagong pagkakakilanlan ng Tsina sa komunidad ng daigdig, ipinahayag ng tagpagsalita ng Tsina na ito ang bunga ng pagiging ikalawang ekonomiya ng Tsina sa daigdig, at ito rin ay pagpapakita ng pagpapataas ng pandaigdigang impluwensiya ng Tsina.
Ang taong ito ay ika-40 anibersaryo ng reporma at pagbubukas ng Tsina, at ang paglaki ng kabuhayang Tsino kada taon ay umabot sa 9.5%. Ito, anang tagapagsalita ay sumasagisag na ang Tsina ay pumasok na sa bagong dekada ng may kaginhawang lipunan. Noong nakaraang 10 taon, sunud-sunod na nakisangkot ang Tsina sa 30 aksyong pamapayapa, at dahil dito, tinawag ng komunidad ng daigdig ang Tsina bilang "masusing elemento at puwersa ng aksyong pamayapa" at "tagapagbuo ng kapayapaan ng daigdig."
Noong 2013, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mungkahi ng "One Belt One Road" na nagkaloob ng bagong ideya para sa pagsasaayos ng buong mundo. Nitong 5 taong nakalipas, aktibong nakisanggot sa naturang mungkahi ang 100 bansa at rehiyon.
Bukod dito, ayon sa media ng Kenya, para sa Aprika, ang Tsina ay isang mahalagang katuwang na pangkooperasyon.
Ipinalalagay ng isang ulat mula sa Brookings Institution ng Amerika na ang mga proyekto ng pamumumuhunan at pagpapaunlad ng Tsina ay maaaring magpawi ng hadlang para sa inclusive growth ng buong daigdig. Anito pa, ang Tsina ay"contributor ng pag-unlad ng daigdig."
Ngayon ang Tsina ay magiging bansang may ikalawang pinakamalaking kontribusyon sa aksyong pamayapa. Ayon sa mga ambag at pagsisikap na ginawa ng Tsina sa daigdig mula noong 40 taong nakalipas, sapul nang isagawa ang patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas, tinataya ng mga mamamayang handa ns ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa, na magbigay ng mas malaking ambag para sa pagtatatag ng isang mapayapa, ligtas, inklusibo at masagana, bukas, malinis at magandang daigdig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |