Ipinahayag Miyerkules, Diyembre 5, 2018 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasang magkasamang mapapasulong ng panig Amerikano at Tsino ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, ayon sa mga komong palagay na narating ng mga lider ng kapuwa panig, at makakapaghatid ng mas maraming aktuwal na benepisyo at interes sa mga mamamayan ng dalawang bansa, maging ng buong mundo.
Ayon sa ulat, sinabi Martes sa Brussels ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na itatatag ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang isang bagong kaayusang pandaigdig na pamumunuan ng Amerika. Dagdag pa niya, ayaw ng panig Amerikano na tanggapin ang mga kilos ng Tsina, Iran, at Rusya na lumalabag sa maraming tratado at multilateral na kasunduan, at isasagawa ang aksyon para repormahin ang mga organong gaya ng United Nations (UN), International Monetary Fund (IMF), World Bank (WB) at iba pa.
Winika ito ni Geng bilang tugon na nasabing pahayag ni Pompeo.
Dagdag ni Geng na sa mula't mula pa'y buong tatag na pinapangalagaan ng Tsina ang multilateralismo, ang kaayusang pandaigdig na may pundasyon nito ay mga regulasyon, at ang multilateral na sistema na ang nukleo nito ay UN. Nagpupunyagi aniya ang Tsina sa pagpapasulong sa pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig, at pagtatatag ng community with a shared future for mankind.
Salin: Vera