Pangkagipitang tinawagan ni Le Yucheng, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, si John McCallum, Embahador ng Canada sa Tsina para iharap ang solemnang representasyon at matinding protesta sa pagpigil ng Canada sa chief finance officer ng Huawei.
Tinukoy ni Le na sa katuwiran ng pagtugon sa kahilingan ng panig Amerikano, ang pagdakip ng panig Kanadyano sa sibilyang Tsino sa Vancouver airport ay grabeng lumalapastangan sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mamamayang Tsino. Aniya, buong tinding hinihimok ng panig Tsino ang Canada na agarang palayain ang pinipigil na Tsino, at aktuwal na igarantiya ang lehitimong karapatan at kapakanan ng kinauukulang Tsino. Kung hindi, tiyak na magreresulta ito sa di-paborableng resulta, at isasabalikat ng Canada ang buong responsibilidad, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng