Ipinatalastas ngayong araw, Huwebes, ika-27 ng Disyembre 2018, sa Beijing, ni Ran Chengqi, Tagapagsalita ng BeiDou Navigation Satellite System ng Tsina, na natapos na ang pagbuo ng ika-3 henerasyon ng BeiDou System (BeiDou-3). Aniya, sa ngayon, may kakayahan na ang BeiDou System na magkaloob ng serbisyo sa buong mundo.
Sinabi rin ni Ran, na ayon sa plano, mula 2019 hanggang 2020, ilulunsad pa ng Tsina ang 11 BeiDou-3 satellite at 1 BeiDou-2 satellite. Ito aniya ay para ibayo pang palakasin ang kakayahan ng BeiDou System sa pagkakaloob ng serbisyo sa buong mundo.
Salin: Liu Kai