Idinaos Disyembre 26, 2018, sa Hanoi, ang seremonya ng pagbubukas ng pagtatanghal ng mga larawan na pinamagatang "Impresyong Tsina-Biyetnam."
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Nguyen Thang, Punong Editor ng Vietnam Pictorial, na ang mga larawang kinunan ng mga photographer ng Biyetnam at Tsina ay nagpapakita ng natural na kapaligiran, kultura at pag-unlad ng lipunan ng dalawang bansa. Ang mga ito rin aniya ang nagbigay ng ambag para sa pagpapalalim ng pag-uunawaan ng mga mamamayan at komprehensibong estratehikong partnership ng Biyetnam at Tsina, at pangangalaga ng kapayapaan, katatagan, kooperasyon at pag-unlad ng rehiyon at daigdig.
salin:Lele