Binuksan nitong Huwebes, Disyembre 20 sa Hanoi, Vietnam ang Porum ng Tsina't Vietnam hinggil sa Pagpapasulong ng Pagtutulungang Pangkabuhayan. Mahigit 500 kinatawan mula sa mga pamahalaan ng dalawang bansa, at sektor ng negosyo ang lumahok sa porum.
Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa mga pagkakataong komersyal ng dalawang bansa para mapalalim ang mga pragmatikong pagtutulungan.
Ang nasabing porum ay nasa pagtataguyod ng Boao Forum for Asia (BFA), kasama ng mga may kinalamang departamento ng mga pamahalaan ng Tsina't Vietnam. Ito rin ang kauna-unahang aktibidad na idinaos ng BFA sa Vietnam nitong 18 taong nakalipas sapul nang itatag ang BFA.
Salin: Jade
Pulido: Mac