Sa sidelines ng Ika-4 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), nagtagpo kahapon, Linggo, ika-16 ng Disyembre 2018, sa Luang Prabang, Laos, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam.
Umaasa si Wang, na ipapatupad ng Tsina at Biyetnam ang mga narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa sa iba't ibang aspekto, pasusulungin ang pagtamo ng substansyal na progreso ng mga proyektong pangkooperasyon sa interkonektibidad, at maayos na hahawakan ang mga isyu sa dagat sa pamamagitan ng pagsasanggunian.
Ipinahayag naman ni Pham, na nagtamo ng maraming bunga sa taong ito ang Biyetnam at Tsina sa pagpapasulong ng kanilang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership. Umaasa aniya siyang, walang humpay na pasusulungin ng dalawang bansa ang relasyon at kooperasyon sa susunod na taon.
Salin: Liu Kai