Naganap kamakailan ang gas explosion sa isang residencial building sa Magnitogorsk, Rusya. Lumikha ito ng malaking kapinsalaan sa buhay at ari-arian.
Hinggil dito, ipinadala kahapon, Enero 2, 2019 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, bilang pakikiramay sa mga biktima at kanilang pamilya, sa ngalan ng pamahalaan at lahat ng mga mamamayang Tsino.
Nang araw ring iyon, ipinadala rin ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang katulad na mensahe kay Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya.