Huwebes ng hapon, Nobyembre 15, 2018, nagtagpo sa Singapore sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Ipinahayag ni Li na nananatili sa mataas na antas ang takbo ng komprehensibo, estratehiko't kooperatibong partnership ng Tsina at Rusya, at malaki pa rin ang espasyo para sa pagpapataas ng pragmatikong kooperasyon nila. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Ruso, na patuloy na palalimin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pamumuhunan sa kalakalan, enerhiya, inobasyon at pinansya, paluwagin ang market access sa isa't isa, palakihin ang pamumuhunan sa kalakalan, at pasulungin ang pagsasagawa ng mga hay-tek na proyekto, para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at mas mainam na maisakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Sinabi naman ni Putin na napakahalaga ng pagpapanatili ng regular na pag-uugnayan ng mga mataas na opisyal ng Tsina at Rusya. Buong pananabik na inaasahan niya ang muling pagtatagpo nila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa panahon ng gagawing G20 Summit sa Buenos Aires. Nakahanda ang panig Ruso, kasama ng panig Tsino, na magkasamang tupdin ang mga narating na komong palagay, at pasulungin ang pagtamo ng bagong bunga ng kanilang kooperasyon sa mga larangang gaya ng enerhiya, abiyasyon, kalawakan, magkasanib na pagdedebelop, digital economy at iba pa.
Salin: Vera