Sabado ng umaga, ika-5 ng Enero, 2019, ginanap sa National Counter Terrorism Center (NCTC) sa Pabbi, Pakitan ang magkasanib na pagsasanay ng pakikibaka laban sa terorismo ng mga tropang panlupa ng Tsina at Pakistan. Ginawang background ng pagsasanay ang magkasanib na aksyon ng mga special forces sa pangangalaga sa mahalagang target.
Ang kasalukuyang pagsasanay ay mahalagang nilalaman ng "Warrior VI" magkasanib na pagsasanay ng Tsina at Pakitan. Kasabay ng pagkatapos ng naturang pagsasanay, kasiya-siyang natapos ang mahigit 20-araw na magkasanib na pagsasanay ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Yang Lei, Puno ng Commanding Group ng Panig Tsino sa Magkasanib na Pagsasanay, na lubos na ipinakikita ng kasalukuyang magkasanib na pagsasanay ang pagtitiwalaang militar ng Tsina at Pakistan, at may mahalagang katuturan ito para sa pagpapataas ng kakayahan ng dalawang bansa sa magkasanib na pakikibaka laban sa terorismo.
Salin: Vera