Binigyang-diin kahapon, Biyernes, ika-11 ng Enero 2019, sa Beijing, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na dapat magsikap ang CPC para matamo ang mas malaking estratehikong bunga sa komprehensibo at mahigpit na pangangasiwa sa partido, at pasulungin ang malawakang tagumpay sa paglaban sa korupsyon.
Winika ito ni Xi sa ika-3 sesyong plenaryo ng ika-19 na Central Commission for Discipline Inspection (CCDI) ng CPC, kung saan pinag-aralan ang gawain laban sa korupsyon sa taong ito.
Nilagom din ni Xi ang mga bunga sa paglaban sa korupsyon at pagpapabuti ng sistema ng pagsusuperbisa sa partido, na natamo sapul nang idaos ang Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC noong 2017. Aniya, ang mga bungang ito ay nagbigay ng malakas na garantiya sa pagsasakatuparan ng bagong pag-unlad ng mga usapin ng CPC at Tsina.
Salin: Liu Kai