Samarqand, Uzbekistan — Ginanap Linggo, Enero 13, 2019, ang unang Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng India at Gitnang Asya na dinaluhan ng mga ministrong panlabas mula sa India, limang bansa ng Gitnang Asya, at Afghanistan. Sa magkakasanib na pahayag na inilabas pagkatapos ng pulong, ipinahayag ng pitong bansa ang kahandaang patuloy na palakasin ang kooperasyon para maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad sa rehiyong ito.
Kabilang sa nasabing limang bansa sa Gitnang Asya ay Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Uzbekistan, at Turkmenistan.
Bukod dito, sinang-ayunan ng mga ministrong panlabas na sa taong 2020, gaganapin sa New Delhi, India ang ikalawang Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng India at Gitnang Asya. Iimbitahan din ang Afghanistan sa regular na paglahok sa mekanismo ng diyalogong ito.
Salin: Li Feng