Johannesburg, Timog Aprika—Nagtagpo dito Huwebes, Hulyo 27, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Narendra Modi ng India sa sidelines ng Ika-10 BRICS Summit. Nagkaisa ang dalawang lider na itatag ang mas mahigpit na partnership na pangkaunlaran ng dalawang bansa.
Napagkasunduan din ng dalawang lider na bilang pangunahing bagong sibol na ekonomiya at tagapagtaguyod ng kasalukuyang kaayusang pandaigdig, kailangang pahigpitin ng Tsina't India ang pag-uugnayang estratehiko, palawakin ang mga pragmatikong pagtutulungan, pasulungin ang people-to-people exchange at maayos na hawakan ang mga alitan.
Sumang-ayon din silang kasabay ng pagpapahigpit ng bilateral na pagtutulungan ng dalawang bansa, magkasamang galugarin ang bagong pamamaraan ng pagtutulungang panrehiyon. Bukod dito, magkasama rin silang patuloy na mangangalaga sa multilateralismo at globalisasyong pangkabuhayan.
Salin: Jade
Pulido: Mac