Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko kamakailan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong isang taon, aktuwal na nagamit ng Tsina ang halos 135 bilyong dolyares na pondong dayuhan na lumaki ng 3% kumpara sa taong 2017. Ipinahayag ni Tang Wenhong, Puno ng Departamento ng Pamumuhunang Panlabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na naisakatuparan ang mabilis na paglaki ng aktuwal na paggamit ng industriya ng paggawa ng bansa.
Ani Tang, noong isang taon, ang pamumuhunan sa Tsina ng mga bansang gaya ng Singapore, Timog Korea, Hapon, Britanya, Alemanya, at Amerika ay magkakahiwalay na lumaki ng 8.1%, 24.1%, 13.6%, 150.1%, 79.3%, at 7.7%. Bukod dito, mabilis ding lumaki ang inaakit na pondong dayuhan sa dakong gitna at kanluran ng Tsina, dagdag niya.
Salin: Li Feng