Hiniling ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga pamahalaan sa iba't ibang antas na ibayo pang magsikap para buong higpit na ipatupad ang malinis na pangangasiwa at paglaban sa korupsyon.
Winika ito ni Li nitong Lunes, Enero 14, sa isang pulong ng mga pangunahing miyembro ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina na may kinalaman sa pagpapatupad sa talumpati kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kaugnay ng pangangasiwa sa Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Binigkas ni Xi ang nasabing talumpati sa ikatlong sesyong plenaryo ng ika-19 na Sentral na Komisyon para sa Inspeksyon sa Disiplina (CCDI) ng CPC. Si Xi ay nanunungkulan din bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.
Nangako ang mga kalahok na mangunguna sa pagtitipid at paglaban sa katiwalian. Ipinagdiinan din nila ang pagpapasulong ng accountability para isakatuparan ang mga pangunahing target na pangkabuhayan at panlipunan ng bansa para sa taong 2019.
Salin: Jade
Pulido: Mac
Photo credit: gov.cn