Beijing, Tsin--Ang Balangkas ng Batas sa Superbisyon, kauna-unahang batas ng Tsina laban sa katiwalian ay isinumite Martes, Marso 13, 2018 sa idinaraos na Unang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, para suriin.
Isinalaysay ni Li Jianguo, Pangalawang Tagapangulong ng Pirmihang Lupon ng Ika-12 NPC, na mababasa sa nasabing balangkas na batas ang tungkulin at hurisdiksyon ng organong tagapagsuperbisa ng bansa, mga paraan ng superbisyon, at pangangalaga sa mga karapatan at interes na pambatas ng mga iimbestigahan.
Ang mga deputado habang sinusuri ang balangkas ng Batas sa Superbisyon sa ika-4 na pulong plenaryo ng Unang Sesyon ng Ika-13 NPC, Marso 13, 2018.
Salin: Jade
Pulido: Mac