|
||||||||
|
||
Ipinalabas Martes, Enero 15, 2019, ni Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya, ang mensahe bilang pagbati sa pagdaraos sa Siem Reap ng ika-27 taunang pulong ng Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF). Nanawagan siya sa mga bansang Asya-Pasipiko na magkakasamang magsikap para sa kapayapaan, kalayaan, demokrasya, kasaganaan, at magkakasamang paglutas sa mga kinakaharap na hamon.
Ani ng haring Kambodyano, kasalukuyang pumapasok ang relasyong pandaigdig sa bagong siglo. Aniya, kinakailangan nito ang pagtatatag ng plataporma ng pandaigdigang kooperasyon at diyalogo upang magkakasamang malutas ang mga problemang tulad ng pagbabago ng klima, likas na kalamidad, karalitaan, at di-pagkakapantay-pantay.
Mula Enero 13 hanggang 16, 2019, idinaos sa kauna-unahang pagkakataon sa Kambodya ang taunang pulong ng APPF. Ang tema nito ay "Pagpapalakas ng Partnership ng mga Parliamento, Pagpapasulong ng Kapayapaan, Kaligtasan, at Sustenableng Pag-unlad."
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |