Sinimulan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Central Military Commission, ang kanyang unang paglalakbay-suri sa loob ng bansa sa taong 2019.
Bilang unang hinto ng nasabing biyahe, naglakbay-suri si Xi sa Xiong'an New Area. Ang konstruksyon ng imprastruktura, kapaligiran ng pamumuhunan at pagpapasimula ng negosyo, at pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal sa lokalidad ay laging pinag-uukulan ng pansin ng kataas-taasang lider ng Tsina.
Salin: Vera