|
||||||||
|
||
Ayon sa Syrian media, isinagawa Biyernes, Enero 18, 2019 ng League of Nations ang air raid sa probinsyang Ter Zor ng Syria na ikinamatay ng 20 sibilyan na kinabibilagan ng mga babae at bata.
Noong Agosto, 2014, nagsimulang isagawa ng Amerika ang air raid sa mga target ng "Islamic State (IS)" sa Iraq. Noong Setyembre, 2014, pinalawak ng Amerika ang saklaw ng air raid sa loob ng Syria. Kasabay nito, itinaguyod sa nasabing buwan ng Amerika ang pagtatatag ng League of Nations na naglalayong bigyang-dagok ang IS.
Ipinalalagay ng pamahalaang ng Syria na ang naturang kilos ng Amerika ay walang awtorisasyon ng United Nations (UN) Security Council. Binatikos din nito ang mga air raid na inilulunsad ng Amerika na nagdudulot ng malaking civilian casualty.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |