|
||||||||
|
||
Lima — Sinabi nitong Sabado, Abril 14, 2018, ni US Vice President Michael Pence na handa na ang kanyang bansa sa pagsasagawa ng muling atakeng militar sa Syria.
Sinabi niya na natamo ng magkakasanib na atakeng militar ng Amerika, Pransya at Britanya laban sa Syria ang "napakalaking tagumpay." Aniya, binigyang-dagok ng kanilang aksyong militar ang kakayahan ng Syria sa pagsasagawa ng chemical weapons attack.
Hinggil naman sa dahilan ng Amerika sa pagsasagawa ng atakeng militar bago magsimula ang kaukulang imbestigasyon sa insidente ng sandatang kemikal ng Syria, sinabi ni Pence na naniniwala ang Amerika na nagsagawa ang pamahalaan ng Syria ng chemical weapons attack. Aniya, kung muling gagamitin ng pamahalaan ng Syria ang sandatang kemikal, magbabayad ito ng "napakalaking kapinsalaan."
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |