Pumasok sa ika-tatlumpu't tatlong araw noong ika-23 ng Enero ang pagsasara ng bahagi ng Pederal na Pamahalaan ng Estados Unidos. Sinabi ni Donald Trump sa sosyal na midya na ipapahayag niya ang Kalatas Ukol sa Kalagayan ng Bayan pagkatapos ng muling pagbubukas ng pamahalaan.
Ayon kay Trump, kung pag-uusapan ang kasaysayan, tradisyon at kahalagahan ng pagpapalabas ng nasabing kalatas, ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ay maituturing na pinaka-angkop na lugar para sa pagpapalabas nito. Inimbitahan ni Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan si Pangulong Trump na magpahayag ng Kalatas Ukol sa Kalagayan ng Bayan sa panahon ng pagsasara ng pamahalaan, pero binago ni Pelosi ang kanyang desisyon at iminungkahing ipagpaliban ito dahil sa pagsasara ng pamahalaan. Ito ay karapatan ni Pelosi bilang Ispiker ng Mababang Kapulungan. Samantala, inaasahan ni Trump na ipapahayag ang Kalatas Ukol sa Kalagayan ng Bayan sa malapit na hinaharap.
Salin: Wendy
Pulido: Rhio