Hanggang alas-12 ng hatinggabi, ika-12 ng Enero, Eastern Standard Time ng Amerika, pumasok sa ika-22 araw ang shutdown ng bahagi ng pamahalaang pederal ng Amerika. Ito ay naging pinakamatagal na shutdown sa kasaysayan ng bansang ito.
Sinimulan noong ika-22 ng nagdaang Disyembre ang kasalukuyang shutdown ng pamahalaang pederal ng Amerika, dahil sa malaking pagkakaiba ng White House at mga Democrat sa Kongreso sa isyu ng paglaan ng pondo para sa pagtatayo ng border wall sa pagitan ng Amerika at Mexico. Halos 800 libong tauhan ng sangkaapat ng mga organo ng pamahalaang pederal ng Amerika ay sapilitang nagtatrabaho nang walang bayad o pinag-daday-off.
Salin: Liu Kai