Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pag-unlad ng Tsina ay nangangailangan ng suporta ng daigdig samantalang ang kasaganaan ng daigdig ay nangangailangan din ng ambag ng Tsina. Kaya, dapat ibayo pang magbukas sa labas ang Tsina para maitatag ang komunidad na may pinagbababahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Ito ang winika ni Xi sa kanyang talumpati sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma't pagbubukas sa labas ng bansa, na binuksan ngayong umaga sa Beijing.
Inulit din ni Pangulong Xi ang pagkatig ng Tsina sa multilateral na sistemang pangkalakalan at pagpapasulong ng liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan. Dagdag niya, magsisikap ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig para maitatag ang bagong plataporma ng pandaigdig na kooperasyon, sa pamamagitan ng magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI).
Ang pag-unlad ng Tsina ay hindi nagsisilbing banta sa anumang bansa, at hinding hindi maghahari-harian sa iba ang Tsina, diin ni Xi.
Salin: Jade
Pulido: Mac