|
||||||||
|
||
Yangon, Myanmar—Idinaos nitong Sabado, Enero 26, 2019 ang seremonya ng pag-aabuloy ng Chinese Stomatological Association (CSA) ng Cone Beam Computed Tomography (CBCT) equipment sa Sittwe General Hospital, Rakhine State ng Myanmar. Ito ang unang malaking stomatological image equipment sa kasaysayan ng naturang estado.
Ang naturang CBCT equipment ay propesyonal na pasilidad sa ilalim ng nagsasariling pananaliksik at pagdedebelop ng Shanghai UEG Medical Group Ltd. Ito ay isa sa mga pinakamodernong stomatological image equipment sa daigdig, at halos 120,000 dolyares ang halaga nito.
Si Yu Guangyan
Sa seremonya ng pag-aabuloy, ipinahayag ni Yu Guangyan, Tagapangulo ng CSA, na isinasagawa ng Tsina at Myanmar ang kooperasyon sa maraming larangan, sa ilalim ng Belt and Road Initiative. Umaasa aniya ang CSA na mapapasulong, kasama ng sirkulong medikal ng Myanmar, ang komong kaunlaran at kasaganaan ng stomatology ng dalawang bansa.
Dumalo sa seremonya ang mga kinatawan ng Embahada ng Tsina sa Myanmar, Ministri ng Kalusugan at Palakasan ng Myanmar, at UEG Medical Group Ltd.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |