|
||||||||
|
||
Nitong Linggo, Enero 6, 2019, inimbitahan ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, ang mga beteranong dalubhasa ng Tsina at Myanmar na minsa'y lumahok sa konstruksyon ng tulay ng Thanlyin para balik-tanawin ang kasaysayan at pag-usapan ang kanilang pagkakaibigan.
Ipinahayag ni Hong na ang nasabing tulay ay unang malaking hugpong sa kasaysayan ng Myanmar, at mayroon itong napakalaking katuturan sa kasaysayan ng pag-unlad ng tulay ng bansang ito. Ito rin aniya ay may napakahalagang katuturan sa kooperasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.
Tulay ng Thanlyin
Dagdag pa niya, bunga ng konstruksyon ng nasabing tulay, maraming talento sa konstruksyon ng tulay ng Myanmar ang nakapagsanay, bagay na nakapaghatid ng aktuwal na benepisyo para sa mga mamamayan ng bansang ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |