Isang eksibit hinggil sa pagpapahupa ng Tsina sa karalitaan ang binuksan nitong Sabado, Enero 19 sa Sentro ng Kulturang Tsino sa Yangon, Myanmar.
Sa pamamagitan ng mga larawan, teksto at video, malalaman ng mga manonood ang hinggil sa mga kuwento ng mga mamamayang Tsino na naibsan ang kahirapan. Itatanghal din ang eksibisyon sa Mandalay at Nay Pyi Taw.
Ngayong taon ay ika-40 anibersaryo ng reporma't pagbubukas sa labas ng Tsina. Nitong 40 taong nakaraan, humigit kumulang 800 milyong mamamayang Tsino ang nakahulagpos sa kahirapan. Sa 2020, balak ng pamahalaang Tsino na i-ahon ang natitirang 30 milyong mahirap na mamamayan mula sa karalitaan.
Ang pagbabahagi ng karanasan ng Tsina sa pagpapahupa sa karalitaan at pagbibigay ng may kinalamang tulong sa Myanmar ay isa sa mga proyekto ng magkasamang pagpapasulong ng dalawang bansa sa Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio