Ilalabas ng Tsina ang kauna-unahang batas na may kinalaman sa pamumuhunang dayuhan sa bansa.
Ito ang ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina nitong Huwebes, Enero 31, sa regular na preskon, makaraang matapos ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina ang pagsusuri sa balangkas ng nasabing batas.
Ani Gao, itatampok sa batas ang pre-establishment national treatment sa mga kompanyang dayuhan, pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang isip, at Special Management Measures (Negative List).
Salin: Jade
Pulido: Mac