Sinimulan ngayong araw, Martes, ika-29 ng Enero 2019, sa Beijing, ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ang ikalawang pagsusuri sa panukalang Batas sa Pamumuhunang Dayuhan.
Ang ikalawang pagsusuri ay isinasagawa isang buwan lamang pagkaraan ng unang pagsusuri. Ipinakikita nito ang intesyon ng Tsina ng pagpapalabas ng naturang batas sa lalong madaling panahon. Itinuturing ito na mahalaga at substansyal na hakbang ng Tsina tungo sa pagpapasulong ng pagbubukas sa labas sa aspekto ng sistema.
Salin: Liu Kai