Isiniwalat nitong Sabado, ika-22 ng Disyembre 2018, sa Beijing, ni Tang Wenhong, Puno ng Departamento ng Puhunang Dayuhan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa taong 2019, ilalabas ng kanyang bansa ang bagong Negative List for Foreign Investment Access, kung saan mas kaunti ang mga aytem kumpara sa kasalukuyang listahan.
Isinalaysay ni Tang, na 48 aytem ang kasalukuyang nasa negative list para sa buong bansa, at 45 naman ang nasa negative list para sa mga pilot free trade zone ng bansa. Aniya, ang ibayo pang pagpapaikli ng negative list ay makakabuti sa pagtatatag ng puhunang dayuhan ng mga exclusively foreign-owned enterprise sa mas maraming larangan sa Tsina. Dagdag niya, ito ay angkop sa kahilingang iniharap sa katatapos na Central Economic Working Conference hinggil sa pagpapaluwag ng pagpasok ng puhunang dayuhan sa pamilihang Tsino, at paglikha ng mas mainam na kapaligirang pang-negosyo.
Salin: Liu Kai