Nagtagpo nitong Lunes, Pebrero 4, si Chung Eui-yong, Punong Tagapayong Panseguridad ng Pangulo ng Timog Korea at Stephen Biegun, dumadalaw na Espesyal na Kinatawan ng Estados Unidos sa Patakaran sa Hilagang Korea.
Nagpalitan ang dalawang opisyal ng kuru-kuro hinggil sa gaganaping talakayan sa antas na pantrabaho sa pagitan ng Amerika at Hilagang Korea.
Pagkaraan ng pagtatagpo, nakatakdang idaos ang nabanggit na talakayan ni Biegun at opisyal mula sa Hilagang Korea, para maisakatuparan ang denuklearisasyon ng Korean Peninsula.
Salin: Jade
Pulido: Mac